Edukasyon -- Eugelene F. Insong
EDUKASYON: SUSI NG TAGUMPAY
Maraming kabataan ngayon ang tinatamad ng mag-aral, may iilan naman nahinto dahil sa kahirapan at pinili na lang magtrabaho para may makain. Isa ito sa problemang kinakaharap ng ating bansa. Dumarami ang out-of-school youth sa mga lugar na hindi na abot ng tulong ng pamahalaan.
Isa ka ba sa mga kabataan na iyon? Kung oo, isa puso ang bawat mababasa mo sa tekstong ito. Edukasyon ang susi sa tagumpay mo sa buhay, kung mananatili ka lamang sa sitwasyon mo ngayon walang uusbong na pagbabago sa ating bansa. Nahinto ka man sa pag-aaral, maraming ahensya ang gobyerno na nagbibigay ng pagkakataon sa mga tulad mo na makapag-aral ulit.
Edukasyon ang tanging sandata mo para magtagumpay sa buhay. Hindi ka matatapakan at yuyurakan ng iba dahil alam mo sa sarili mo na may pinag-aralan ka at ginagamit mo ito sa tama. Alalahanin mo na pagnakatapos ka magiging masaya ang mga magulang mo. Mabibigay mo sa kanila ang gusto mo at mapapasyal mo sila sa magagandang lugar. Pero mahirap mag-aral ngunit tandaan mo na mas mahirap kapag wala Kang pinag-aralan. Ang karunungan at hindi maagaw sayo kaninuman at ito lang ang tanging maipapamana namin sayo. Kung gusto mo magkaroon ng Mata dang kinabukasan mag-aral mang mabuti. Ang payong ito ay madalas naririnig mula sa mga magulang natin. Halos lahat ng magulang ay nangangarap na ang kanilang anak matapos ng pag-aaral at magtagumpay. Gaano nga ba ka importante ang edukasyon sa isang tao?
May mga taong ang tingin sa pag-aaral at isang pagsasayang lang ng oras. Hindi natin magagamit ito sa totoong buhay. Oo, inaamin ko na maraming beses Kong iniisip ito pero dapat nating tandaan na napaka-importante pa rin nito sa ating buhay, tiyak na hindi ituturo ito sa atin kung hindi ito magagamit sa ating kinabukasan. Ang edukasyon ay gumaganap ng isang kritikal at pinaka-mahalang papel sa ating buhay. Ito ay isang mahalagang kasangkapan na kailangan upang isang tao ay magtagumpay. Kung wala ito mahihirapan Kang makamit ang pinapangarap mong trabaho at hindi mo mabibigyan ng magandang buhay ang magiging pamilya mo sa kinabukasan. Dapat nating ibigay ang ating oras dito upang magkaroon ng matatag ng kinabukasan.
Hindi lahat sa mga libro at paaaralan natin makukuha ang edukasyon, makakamit din natin ito sa mga pagsubok at karanasan na ating pinagdaraanan sa ating mga buhay. Ang edukasyon ay isang Susi upang magkaroon tayo nang maginhawa kinabukasan. Sa pagkamit ng tagumpay, kailangan ng kasipagan sa pag-aaral determinasyon at pagtitiwala sa Diyos laging tandaan na walang madaling paraan tungo sa tagumpay. Pahalagahan mo lamang ang edukasyon at sumandal sa Diyos dahil sa kanya walang hindi kayang makamit sa ating buhay. Ang mga bagay bagay kagaya ng mga laruan, Damit at gadget, pero ang edukasyon ay walang hanggang kaya dapat natin itong pahalagahan.
Pagnatapos mo ang kursong iyong kinuha magiging madali sa iyo na makahanap ng trabaho. Makakaipon ka at mabili ang gusto mo. Makakapaglaan ka ng pera para sa pagbuo mo ng sarili mong pamilya. Isang paalala sa iyo ang naging karanasan mo noong bata ka pa, mas mabuting makapagtapos ng pag-aaral ang magiging anak mo.
O ano? Nagising ko ba ang diwa mo? Mag-aral ka ulit kapwa ko kabataan, hindi pa huli ang lahat. Magsikap ka at may tutulong sayo upang matupad mo ang iyong mga pangarap sa buhay. Bangon kabataan, bangon para sa kinabukasan ng ating bayan.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento