Edukasyon -- Eugelene F. Insong
EDUKASYON: SUSI NG TAGUMPAY Maraming kabataan ngayon ang tinatamad ng mag-aral, may iilan naman nahinto dahil sa kahirapan at pinili na lang magtrabaho para may makain. Isa ito sa problemang kinakaharap ng ating bansa. Dumarami ang out-of-school youth sa mga lugar na hindi na abot ng tulong ng pamahalaan. Isa ka ba sa mga kabataan na iyon? Kung oo, isa puso ang bawat mababasa mo sa tekstong ito. Edukasyon ang susi sa tagumpay mo sa buhay, kung mananatili ka lamang sa sitwasyon mo ngayon walang uusbong na pagbabago sa ating bansa. Nahinto ka man sa pag-aaral, maraming ahensya ang gobyerno na nagbibigay ng pagkakataon sa mga tulad mo na makapag-aral ulit. Edukasyon ang tanging sandata mo para magtagumpay sa buhay. Hindi ka matatapakan at yuyurakan ng iba dahil alam mo sa sarili mo na may pinag-aralan ka at ginagamit mo ito sa tama. Alalahanin mo na pagnakatapos ka magiging masaya ang mga magulang mo. Mabibigay mo sa kanila ang gusto mo at mapapasyal mo sila sa magagandang ...